Time’s up

Oras—tumatakbo, lumilipas ng hindi mo napapansin, mamamalayan mo na lang hindi mo na pala maibabalik ang mga sandaling nasayang mo dahil sa mga walang kwentang bagay. Tik! Tok! Tik! Tok! Yan ang paulit-ulit na bumubulong sayo sa tuwing itinatapat mo ang maliit mong relo sa tainga mo. Gaano nga ba kahalaga ang bawat pagtapat ng kamay ng orasan sa labindalawang numerong nakapalibot dito? Ang animnapung segundo na bumubuo sa isang minuto, ang animnapung minuto na bumubuo sa isang oras at ang apatnapu’t apat na oras na kinakailangan para sa isang buong araw, ano nga ba ang ginagampanan nito sa buhay ng tao? Kung tutuusin wala ka naman talagang pakialam sa oras kesyo umaga, tanghali o gabi pa yan, hanggang sa dumating ka sa punto na naisip mong may deadline ka palang hinahabol para sa pagpapasa ng assignments at projects mo, na sampung minuto na lang magsisimula na ang klase niyo pero hindi ka pa naiingling bumangon at ang takot na lumipas ang napakaraming oras at umabot ka ng trenta na hindi mo pa nakikilala ang love of your life. Pero wag ka masyadong matakot sa oras, hindi ka kakainin niyan. Ang isipin mo na lang sa bawat umagang magigising ka binigyan ka ng Diyos ng kakayahan na baguhin ang takbo ng buhay mo sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Sayo na nakasalalay kung ano ang mangyayari sa buhay mo sa mga nalalabi mong oras sa mudong ito. Pero lagi mong tatandaan tumatakbo rin an oras. Tik. Tok. Tik. Tok. Time is up!

Advertisements